BUHAY BILANG MANUNULAT
Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing ring hamon kay Francisco para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Kinalaunan ay higit na dinakila si Francisco sa larangan na panulaan. Taong 1835 nang manirahan si Francisco sa Pandakan. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang MAR ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.
Source: Talambuhay ni Francisco Balagtas. (n.d.). Retrieved May 18, 2014, from About Filipino:
http://aboutfilipino.com/mga-halimbawa-ng-talambuhay/talambuhay-ni-francisco-balagtas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento