EDUKASYON
Noon pa man ay may ambisyon na sa buhay si Francisco at inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan, kaya naman humanap siya ng paraan kung paano siya makakaluwas ng Maynila upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag–anak na mayaman, na naninirahan sa Tondo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan. Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Francisco sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag-aral. Nag-aral siiya sa dalawang eskwelahan sa Maynila.
Colegio de San Jose- natutuhan ni Francisco ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geograpiya at Doctrina Cristianna.
Colegio de San Juan de Letran (1812)- natapos ni Francico ang mga karunungang Teolohiya, Pilosopiya at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.
PROPESYON
Noong nag aaral pa lamang siya ay naging tanyag na sa pagsusulat ng mga liham ng pag ibig para sa kanyang mga kaibigan at kamag aral. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang Bantog ng may akda ng "Pasyon" na siyang humikayat sa kanya sa paggawa ng tula. Nakilala at naging kaibigan ang makatang si Jose dela Cruz na kilala sa katawagang Huseng Sisiw.
Sa paglipat sa Pandacan mula Tondo, Maynila taong 1836, naging hanapbuhay ang pagsusulat ng mga awit, korido at moro moro.
Nakilala at umibig kay Maria Asuncion Rivera subalit pinakulong ng mayamang karibal na si Nanong Kapule. Habang nasa kulungan ay naging inspirasyon ang nararanasan upang isulat ang ulang Florane at Laura ng nagsasalaysay ng kabiguan ng magsing-irog.
Nakalaya ng taong 1840 at pinagpatuloy ang pagsusulat ng mga tula at dula. Neging eskribyene ng hukuman at nadistino sa Udyong (ngayo'y Orion), Bataan.
Nagpakasal kay Juana Tiambeng taong 1842 at nanungkulan bilang Punong Tinyente ng bayan.
Naging Hukom ng lupain at naging tagapag salin ng wika ng hukuman. Muli na namang nabilanggo ng apat na taon dahil sa pagkalbo sa isang katulong ng isang mayaman at tinapos ang kanyang sentensya sa piitan ng Bilibid ng Maynila.
Sa huling taon ng kanyang buhay ay nagpatuloy sa pagsusulat ng mahigit sa isang daang tula, dula at katha. Namatay noong ika 20 ng Pebrero 1862 sa Orion, Bataan.
Source: Talambuhay ni Francisco Balagtas. (n.d.). Retrieved May 18, 2014, from About Filipino: http://aboutfilipino.com/mga-halimbawa-ng-talambuhay/talambuhay-ni-francisco-balagtas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento