Buhay ni Francisco

Naging tanyag si Francisco sa purok ng Tondo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tondo ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag –uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang araw ay may dala-dalang tula si Francisco upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Francisco na masamang-masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tondo.
Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa.
Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Francisco at lalo itong nalubos ng mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya.
Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.
Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan- naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera.

Mainam -inam na sana ang buhay ng mag -anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas.  Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya.
Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.

Source: Dark Cute. (2007, October 11). Sulyap sa Yaman: Talambuhay ni Francisco Baltazar. Retrieved May 18, 2014, from Blogspot: http://sulyapsayaman.blogspot.com/2007/10/talambuhay-ni-francisco-baltazar.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento