Biyernes, Mayo 9, 2014


FRANCISCO BALAGTAS
Ang Hari ng Balagtasang Pinoy
1788-1862


Isinilang si Francisco Baltazar noong Abril 2, 1788 sa nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulacan. Ginawang "Balagtas" ang apilido ni Franciso dahil sa kautusan ng Gobernador Heneral na gawing kastila ang mga pangalang katutubo noong 1849. Si Francisco ay anak nina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz, at ang kanyang mga kapatid ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Si Francisco ay ikinasal kay Juana Tiambeng ng Orion, Bataan at nagkaroon sila ng pitong anak.

Maralita lamang ang buhay noon ng pamilya nila Francisco. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Francisco ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at dito ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo. Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Francisco ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento